Ika-labing siyam ng Abril dalawang libo't labing walo, pinakamasayang kaarawan na nangyari sa buhay ko. Noong araw na iyon, ipinagdiwang namin ang aking ika labing walong kaarawan, na kung saan naghanda kami para pumunta sa PLT resort. Nang makarating kami sa aming destinasyon, agad naming nilabas ang kamera at nagpicture, kinunan din namin ang mga magagandang tanawin na aming nakita. Pagkatapos, dumeretso na kami sa cottage o bahay kubo para ilagay ang mga pagkain at mga kagamitan namin doon, sa sobrang excited hindi na kami nagpahinga nang pangmatagalan. Pumunta kami kaagad sa pool at naligo, sinubukan din namin ang kanilang slide. Habang naliligo hindi namin maiwasan ang hindi magpicture kaya naman hindi kami nagpahuli. Hanggang sa nalaman namin na may mas maganda at mas malaki silang slide. ...