Ika-labing siyam ng Abril dalawang libo't labing walo, pinakamasayang kaarawan na nangyari sa buhay ko.

          Noong araw na iyon, ipinagdiwang namin ang aking ika labing walong kaarawan, na kung saan naghanda kami para pumunta sa PLT resort.

          Nang makarating kami sa aming destinasyon, agad naming nilabas ang kamera at nagpicture, kinunan din namin ang mga magagandang tanawin na aming nakita.

          Pagkatapos, dumeretso na kami sa cottage o bahay kubo para ilagay ang mga pagkain at mga kagamitan namin doon, sa sobrang excited hindi na kami nagpahinga nang pangmatagalan.

          Pumunta kami kaagad sa pool at naligo, sinubukan din namin ang kanilang slide. Habang naliligo hindi namin maiwasan ang hindi magpicture kaya naman hindi kami nagpahuli. Hanggang sa nalaman namin na may mas maganda at mas malaki silang slide.

          Dali-dali kaming bumaba para puntahan at makita ang ipinagmamalaki nilang giant slide. Sadyang nakakaakit at kamangha-mangha ang aming nakita na parang kami ay nasa baybay. Napansin din namin na marami ang mga tao at turista na pumupunta doon, at ang kanilang giant slide ang dinadayo dito. Napatunayan ko sa sarili ko na tama ang lugar na napili ko para sa aking kaarawan.

          Siyempre, hindi namin pinalampas ang pagkakataon na maranasan at masubukan ang ipinagmamalaki nilang giant slide. Kahit sobrang mataas at nakakatakot hindi parin ako umatras at hindi ako nagpadala sa takot, nilakasan ko ang loob ko at tinanggap ko ang hamon.

          Pagkatapos naming mag-enjoy sa kanilang giant slide, pumunta kami sa malawak nilang pool na parang wave pool pero hindi, nasabing kong wave pool dahil sa dami nang mga taong naliligo doon, lumalakas ang alon.

          Nang kami ay napagod sa paliligo, dumeretso kami sa bahay kubo para kumain at magpahinga nang panandalian. Habang kumakain, nasabi nang aking kapatid na mayroon silang zipline, ngunit sa kasamaang palad nasira ang kanilang zipline sa araw na 'yun kaya hindi kami natuloy sa pagsakay doon. Kaya naghanda na lang kami sa aming pag-uwi.

          Pero bago kami umuwi, sumaglit kami ulit sa pool para magpicture.

          Masaya ang naging experience namin dahil marami sa mga tao ang nage-enjoy at maging mga bata ay masaya.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito